Krayola at Oil Pastel
ane be nemen???
ang buhay ng estudyante ay puno ng kulay, pero and di tayo tiyak ay kung sa anong kulay naiaangkop ang ating buhay. bibigyan kita ng isang segundo para mag isip...
nakaisip ka na ba??psssyttt overtaym na ang iyong pag iisip..
mayroong iba't ibang kahulugan ang mga kulay sa buhay ng estudyante ...ayon sa akin (haha :D) ito nga ang kahulugan:
a. ikaw ba yung tipo ng estudyante na pag nahulog ng classmate mo ang bolpen mong pilot na 20 pesos na may tag price pa ehh… pupulutin mo yung bolpen at isasaksak mo sa mata nya??? O baka ikaw naman yung estudyante na nasa gilid lang ng room at may hawak na manika at karayom at picture ng isang kaklase mo na kinaiiritahan mo dahil may bago syang roller bag??O ikaw ba yung magbibintang ng kaklase mo na ninakaw nya ang papel mong isang rim kahit alam mong nasa bahay niyo naman yun?? Malamang ito na ang signos na ITIM ang kulay na bagay sa’yo,, isukat mo na mura lang yan (tindahan to te??? Haha :D)
b. Di makatulog, di makakain, may paru-paro sa tiyan( kinain?? Kinain??) , mahilig mag daydream, at ang tanging ginagawa mo ay tingan ang sarili sa salamin o di kaya ay magpaganda o magpagwapo sa crush mo! (kapal!) Malamang ikaw ay isang estudyanteng “Magatti! Malandi!! Makatal!!Maharot!! “ dahil jan PULA ang bagay sa’yo na kulay.. bakit?? Kasi ang PULA ay nagsisimbolo ng intense na feeling o yung parang ganito.”haaaaayyy” (intense ba ang haaaaayyy??) Yung tipong allah syet, may crush ka! Tapos sasabihin mo sa sarili mo ,ito na talaga! Siya na talaga.. Tapos humingi ka ng papel tapos binigyan ka nya ng tatlo tas ang sasabihin mo sa kanya.. I do, yung parang siya na ang pakakasalan mo.. Feel mo naman I LOVE YOU ang ibig sabihin nung tatlong papel pero yun pala “HOY! Tumigil ka!” :D
c. Ito ba ang madalas mong linya “Syet ang sakit ng leeg ko ang bigat kasi ng 24 karat GOLD kong necklace!” o di kaya “Paabot nga yung pencil case ko na may hagdanan” o “Pakikuha naman yung pamaypay ko jan sa bag na gawa sa pera” . Ikaw malamang ay bagay sa kulay na BERDE dahil ito ay nagsisimbolo ng pera o kayamanan. Rich kid ka malamang at ikaw ang napagtitripan ng mga kaklase mo kapag pera na ang pinag uusapan konting puri lang sa’yo sige nanlilibre ka naman haha :D. at tiyak tiba tiba naman ang mga oprtunista mong mga kaklase! :D
d. Madalas mo bang nasasabi ang mga katagang katulad nito : “Alam mo ba na ang speed of light ay equal sa 3 times 10 raise to 8 meters per second? Imagine! Ang bilis nitong mag travel. Shocks kapag ganito lang ang speed ng isang vehicle malamang di na magkakaproblema ang mga tao sa traffic! Kasi mabilis na ang mode of transportation.” “ Syet! Oo nga pala projectile lang pala ang technique sa angry birds, may certain angle ka na dapat ma attain tapos matatamaan mo na ng husto yung mga baboy nay un!” at kaya pala naririnig natin ang isa’t isa ay dahil sa may mga molecules na siyang nagsisilbing medium para makarinig tayo! Tae! Dapat solid ang medium kasi mas mabilis mag travel ang sound sa solid na mga bagay!” ay kung ganyan din lang naman ang pinag uusapan tatahimik na lang ako. DILAW ang bagay na kulay sa iyo. Nasa iyo na ang katalinuhan! Kung ganyan k aba naman magsalita eh aba’y wala ng makikipagusap sa’yo biruin mo! Sinusupalpal mo na sa kanila lahat ng impormasyon na nalalaman mo, Isa kang makapal na librong nabuhay! Abno!
e. Dito na rin siguro maraming makakarelate sa kulay na ito. Kulay BLUE. Trip trip lang para kompleto na ang power rangers ahaha :D baliw ang mga tao na kabilang dito! Ito yung mga tripper na tao! Pektusan lang dito! Basta baliw! Ito yung mga taga hingi ng papel. Mga magpapabayad sa mga kaklase nila ng photocopy dahil wala silang barya! Parati kong ginagawa yun! Haha ;D “Penge naman ng pagkain mo” ang isa sa linya ng mga ito kahit na ang taong hihingian nila ay may isang piraso nalang ng siomai o di kaya yung mga taga hingi ng French fries ng kaklase nila dahil hindi nila mahingi ang burger o ang hotdog bun sa kaklase nila haha :D ako na talaga to!
Hindi man kompleto itong mga kulay na ito ee lahat naman ng kulay na ito ay galing sa puti, ang ibig sabihin, iba’t ibang kulay man iisa pa rin ang pinanggalingan. At ang pagkakaiba iba natin ang siyang nagbubuklod sa atin dahil tayo rin lang naman ang kukompleto ng bawat isa sa atin… gets mo?? Kung hindi, magpabili ka na ng KRAYOLA AT OIL PASTEL :D
OMG VER!! I LOVE IT!!! TENG- ENE!! BENTANG BENTA!! SABOG!!!
ReplyDeletethank you chie :DD
ReplyDelete