Hintayan na lang b?

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ito at di ko rin alam kung paano ko ito tatapusin. 

Noong araw na nakilala kita, hindi ko alam na ikaw na pala yung taong magpapatibok muli nitong aking puso.

Kinaibigan kita ngunit hindi ko alam na mauuwi pala sa ganito, masakit aminin noong una pero hindi ko rin pala ito maitatago. Alam ko hindi ako nararapat sa’yo, ngunit kahit minsa’y ‘di mo man lang ako binigyan ng pagkakataong ipadama kung gaano kita kamahal.

Masakit aminin na di pa ‘ko nanliligaw ay basted na. Tang ina ..masakit eh. Chope na kung chope pero pasensya na di kita malapitan. Mahirap kang abutin, pero di ka mahirap mahalin. Simpleng babae na hindi ko inakalang magiging espesyal sa akin. Oo inamin ko noon na mahal kita at binawi ko yun kinabukasan at alam kong maling mali yung nagawa kong yun, pero di mo ako masisisi kasi simula’t sapul wala pa akong nagiging gerlpren dahil ako’y ampaw. Umiyak ako noon pero lahat ng luhang lumabas sa aking mata ay pawang bunga ng sakit ng nadarama ko noong ako’y di mo na pinansin. 

Syet! Puro sakit na lang ba nag madarama ko kapag naiinlab ako??? Ang sakit! 
Sakit!
syet!... 

Isang araw naisip ko na dapat na kitang kalimutan..at makontento nalang sa kung ano meron sa atin ngayon. 

Araw, 

Linggo, 

buwan ang nakalipas.. Tang ina nahihirapan na ako. Di ko pala kaya! 

Kahit anong gawin ko, wla pa rin! 


Ikaw pa rin talaga tong sinisigaw nitong pusong to!! 

Mahihintay pa kita, pero sana sa tamang oras ..ako’y mahalin mo na :'(

Comments

Popular posts from this blog

Krayola at Oil Pastel

Clear

Ay di Kei