Panoorin mo nlang, ansabe???

Naniniwala ka ba na ang kabataan ay bata? Ano sa tingin mo. Sa aking opinyon, kung klos yun :D haha korni!. Walang konek.


Para sa'yo naiimpluwensyahan ba ng ating pinapanood at ang ating buhay? Yung para bang may itinuturo sa atin ang mga pelikula o kung ano mang napapanood natin?


Ayon sa ekspertong si OLIVER PLACIDO :D, Lahat ng pinapanood natin ay may gustong iparating sa atin, hindi coincidence lahat ng nangyayari kasi naitadhana tayong panoorin yun. Ang susunod palabas ay Rated PG. Ito ang ilan sa mga nakakaapekto sa atin:


1. POWER RANGERS- Gustong iparating ng POWER RANGERS na magreretire na daw sila, dahil dyan isa ka sa mga bagong POWER RANGERS na magliligtas sa mundo laban sa kasamaan. Gusto mo man o hindi, tinatawag ka na ni AY-YAY-YAY, kung kilala mo si AY-YAY-YAY siya yung robot na may spaceship sa ulo na walang iba ginawa kundi sabihin ang salitang "AY-YAY-YAY!" pagkatapos nyang sabihin ang isang sentence, isipin mo kung ganito magsalita ang mga tao .... 

BOY: Break na tayo! AY-YAY-YAY!. GIRL: Wag mo akong iwan hindi ko kakayanin AY-YAY-YAY! BOY: Pero hindi na kita mahal tama na ito! AY-YAY-YAY!. Girl: Nasasaktan ako AY-YAY-YAY!...

gugulo ang buhay natin AY-YAY-YAY! mabalik sa POWER RANGERS, itinuturo nila na ang buhay ay punung puno ng masasamang loob pero walang dahilan para hindi natin mapuksa ito lalo na kapag magtutulungan tayo. Nais din nilang iparating na mayroon lamang limang kulay sa mundo at yan ang RED, BLUE, PINK, YELLOW, GREEN pero kung minsan napagtitripan nilang magdagdag ng ibang kulay tulad ng BLACK, GRAY o WHITE. Isa pa pala, tinuturuan nila tayo na dapat muna nating magsalita o gumawa ng formation bago tayo umatake sa kalaban halimbawa:

Sitwasyon: Naglalakad kayo ng barkada mo at may biglang may lasing kayong nakasalubong kaso pinagtitripan nito ang isang madre..

Lasing sinuntok ang madre: Wala ka pala BATMAN eh! 
tutulungan niyo yung madre...
Kayo: HOY! mamang lasing hindi yan si BATMAN! Kami ang harapin mo!
(Magfoform muna kayo ng pattern na STAR, HEART o J.S.  bago nyo atakihin yung lasing, at pagkatapos nyong mag-formation, sasabihin nyo ang "Kami-mi-mi ang-g mga-a-a magliligtas-tas-s saa-aa inyo-inyo laban-ban-ban sa-sa kasamaan-an-an-an" dahil hindi kayo sabay sabay haha).

2. Malamang maraming nakakakilala kay BARNEY- ang baklang dinosaur! Si BARNEY ay isang halimbawa ng abnormal na creature;  ang laki laki nya, ang tinis ng boses nya, pansin nyo?? Siya at ang mga abno pa nyang mga alipores ay tinuturuan tayo ng mga Basic Arithmetic at Grammar, tinuturuan nya din tayong mag pantasya dahil nabubuo lamang siya sa imahinasyon. haha. Ang magandang ipinapahiwatig ni BARNEY ay Fantasy turns into Reality if we just BELIEVE, pero babalik din yun sa Fanatsy, pinapaasa nya tayo!.

Kunwari, gutom ka na masakit na tyan mo, mag imagine ka ng masasarap na pagkain. pumikit ka at isipin mo ito:

Fried Chicken, Tapos Sizzling Sisig, Tapos may Lechon, Pork Chop, tapos may dessert ka pa na cake tapos ice cream basta isipin mo yung masasarap, di ba parang busog ka na?? O idilat mo na mga mata mo, o di ba MAS LALO KANG NAGUTOM? haha Wala pala si BARNEY eh!.

3. Ang ever lakwatsera naman na si DORA ay tinuturuan tayong maging lakwatsero't lakwatsera biruin mo, umaga palang nagtatwag na siya ng mga batang tutulong sa kanya sa kanyang journey. Biruin mo, ang layo ng lugar na pupuntahan nya, nilalakad nya lang BILIB!!!. At hindi ba kayo nagtataka sa Mouse Pointer na nagtuturo sa kanya ng tamang sagot kahit alam naman talga ni DORA kung saan makikita yun, tamad talaga yun. Tinuturuan din tayo ni DORA na magtipid, hindi siya naliligo promise. Hindi siya nag papalit ng damit nya, ngayon may pupuntahan siya at kinabukasan yung ginamit nyang damit na yun ang gagamitin nya ulit. Hindi naman masamang ulitin ang damit pero dapat naman labhan ni DORA, wish ko lang na magakaroon sila ng episode na hanapin ang nawawalang WASHING MACHINE.

PARTIDA-- kahit tumatakbo yun, hindi pinagpapawisan. 

Ang magandang ipinapahatid ni DORA e, ang pagmamahal natin sa mga hayop. Ang bestfriend nitong UNGGOY na nagsusuot ng BOTAS (baha sa kanila) ang nagsusulsol sa trip nitong si DORA. Ang KALABAW naman nitong kulay ASUL ay parating nawawalan ng gamit. At ang kontrabidang LOBO naman na mukhang binalutan sa ulo ang pilit na bumabasag sa trip ni DORA.

4. Mahilig magpauso ang DRAGON BALL ng kung anu-anong hairstyle. Sila ang nagpa-uso ng Spikes, Fly Away at Flat Top na mga buhok. Si Son Goku na bidang karakter sa DRAGON BALL ay Family Oriented; poprotektahan nya ang kanyang pamilya laban sa kasamaan. Umiikot ang kwento sa mga BOLANG nawawala BINOBOLA lang tayo neto!

Naapektuhan ka din ba ng mga panood na ito?? Wala na akong maisip eh. 'Wag mong ililipat... dadagdagan ko na lang sa sususnod hahah :D
  

Comments

Popular posts from this blog

Krayola at Oil Pastel

Clear

Ay di Kei