Ay di Kei

Ano na bang nangayari?
Nasaan na ang barkadahang ating inalagaan dati?
Masakit isipin na tila tayo'y buwag.
Lalo na kung niloloko natin ang ating mga sarili na kuno'y bulag.

Aminin nating lahat tayo'y nagkasakitan,
Pero sana naman lahat tayo'y magkaintindihan.
Nagbibingi-bingihan sa daing ng isa't-isa.
Galit at poot iwaksi na sana.

Ang lahat ng nangyari noon ay naiwan na sa nakaraan,
Tayo'y magsimula muli kasabay ng pagmamahalan.
Naiinis ako at dumating sa ganitong punto,
Tama na ang iringan kasi masakit na sa ulo.

Nakakaasar lang at nakabuo ako ng ganitong tula, naiingit lang talaga ako sa mga barkadahan na hanggang ngayon matatag pa rin. Nakakairita, nakakabanas, nakakapagod na. Pilit mong ibinabalik yung dati, pero ikaw mismo nahihirapan na din. Susuko na din. Ewan ko ba kung bakit ngayon pa nangyari yung ganito. Hindi ko alam ang dahilan. Tae! Nakakabadtrip lang. O sadyang hindi lang talaga ako makasakay sa trip nila.

Comments

Popular posts from this blog

Krayola at Oil Pastel

Jesus Our Savior